Masaya din namang balikan ang nakaraan.

Linggo, Hulyo 17, 2011

Ganap na pagbabago.

Merong palabas na to na nakapag pabago ng pananaw ko sa buhay. Kung ano yun ay hindi ko na babanggitin. Baka sakaling sabihan mo ko ng baduy. Pero wala akong magagawa, binigyan nya ako ng malaking epekto. Habang buhay ko sigurong gagawing inspirasyon yung napanuod ko.

Miyerkules, Hulyo 6, 2011

Elementary Days.

Nakakatuwang alalahanin yung mga panahon nagpapahatid pa ako sa magulang ko sa school at hihingi ng piso pambili ng lollipop. At pag umalis ang nanay, iiyak na lang ako dahil naiisip ko na ibibigay nya na ako sa teacher ko. Hahaha. Paranoid kid.

Pero ang saya. Natutuwa ako pag may nakakasalubong akong classmate ko dati nung elementary. Sasabihin, "UY! Ikaw na ba yan?", with matching hampas sa balikat. Parang gulat na gulat. Pano, ang ganda ko nung elem ako, ngayon ang pogi ko na. Hahaha!

May part din naman nakakalungkot, kasi yung isa kong classmate nung elem, nabalitaan kong pumanaw na. Last yr lang. Bangungot. Nakakakilabot. Hindi mo talaga alam kung hanggang kelan ka maglalagi sa mundong 'to.

Lunes, Hulyo 4, 2011

Unwanted child.

Unti unti nang nakakabangon ang Nanay ko matapos na mangyari ang nakapalaking delubyo sa buhay ng aming pamilya. At ngayon, hinaharap naman namin ang posibleng resulta ng nangyari sakanya.

Kagabi nagkausap usap kami. Umamin syang fertile sya nung naganap yung pangyayaring iyon. Sa hindi malamang dahilan ay bigla na lamang may lumabas na dugo sa puerta ng Nanay ko. Malaking dugo, isang kumpol, marami. Iniisip namin na baka yun yung nabuo nang gabing may mangyari sa kanya.
Sa totoo lang, kahit sabihin pang baby nga yung lumabas, hindi ako makokonsensya. Nabuo ang batang yun sa hindi magandang paraan. Hindi ko sya matatanggap bilang kapatid na galing sa rape. Nakakadiri. Nakakakilabot.

Pano kung hindi pa pala nakunan ang Nanay ko? Pano kung mabuo yung bata sa sinapupunan nya? Hindi ko talaga alam kung ano ang dapat kong maramdaman. Pero sigurado akong hinding hindi ko sya matatanggap kahit kailan.

Linggo, Hulyo 3, 2011

Walang saysay.

Mahirap din pala talagang makipagsabayan sa mga taong makikitid ang utak. Wala silang ibang alam na gawin kundi bigyan ng puna ang bawat kilos mo. Puro bakit ganyan, bakit ganito, dapat ganyan, hindi dapat ganito. Ang mga paulit ulit na pupukaw sa mata mo.

Unang post pero puro hinanakit ang sinasabi ko. Wala akong maisip na magandang bagay na maaring ibahagi pa sa inyo.

Baka bukas meron na, o sa susunod na araw, o kahit kailan.