Unti unti nang nakakabangon ang Nanay ko matapos na mangyari ang nakapalaking delubyo sa buhay ng aming pamilya. At ngayon, hinaharap naman namin ang posibleng resulta ng nangyari sakanya.
Kagabi nagkausap usap kami. Umamin syang fertile sya nung naganap yung pangyayaring iyon. Sa hindi malamang dahilan ay bigla na lamang may lumabas na dugo sa puerta ng Nanay ko. Malaking dugo, isang kumpol, marami. Iniisip namin na baka yun yung nabuo nang gabing may mangyari sa kanya.
Sa totoo lang, kahit sabihin pang baby nga yung lumabas, hindi ako makokonsensya. Nabuo ang batang yun sa hindi magandang paraan. Hindi ko sya matatanggap bilang kapatid na galing sa rape. Nakakadiri. Nakakakilabot.
Pano kung hindi pa pala nakunan ang Nanay ko? Pano kung mabuo yung bata sa sinapupunan nya? Hindi ko talaga alam kung ano ang dapat kong maramdaman. Pero sigurado akong hinding hindi ko sya matatanggap kahit kailan.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento